WebClick Tracer

SPORTS

LA Tenorio iraratsada Ginebra sa Batangas

6:15 pm – Phoenix vs Ginebra

Parehong nakasakay sa winning streaks ang Phoenix at Ginebra, dadayo ng San Jose, Batangas ang magkatunggali para magbasagan.

Nasa three-game winning run ang Gin Kings (4-1), huling biktima ang Terrafirma 110-99 noong Dec. 3 sa unang laro ni LA Tenorio matapos ihayag na cancer-free na siya.

Apat na sunod na panalo ang tinuhog ng Fuel Masters (5-1), naligtasan ang Converge 99-98 noong Dec. 2. Nasa likod lang ng nangungunang Magnolia (6-0) ang Phoenix, sa ibaba nila ang Gins.

Espesyal ang game sa San Jose sa bagong FPJ Arena na ipinangalan kay Fernado Poe Jr. Kasama si PBA commissioner Willie Marcial sa inagurasyon ng arena noong Aug. 20.

“It’s a brand new gym where we’ll hold a first PBA game, so this is a very special event,” ani Marcial na tubong kalapit-bayan na Batangas City.

Homecoming din ang Batangas game kay Tenorio na taga-Nasugbu. Unang laro ni LA matapos ang siyam na buwan ang Dyip game, sa halftime ay binigyan siya ng tribute nina Marcial, Ginebra governor Alfrancis Chua at Terrafirma governor Bobby Rosales.

Asahan ang matinding bakbakan ng imports kina Tony Bishop ng crowd favorites at Johnathan Williams ng Fuel Masters.

Walang Scottie Thompson pero solido ang nakukuha ni coach Tim Cone kina locals Christian Standhardinger, Maverick Ahanmisi, Jamie Malonzo, Japeth Aguilar.

Si coach Jamike Jarin, aasa din sa lumakas pang si Jason Perkins at kina Ken Tuffin, Tyler Tio at Ricci Rivero. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on