WebClick Tracer

METRO

2 sikyo nagbarilan habang duty

TODAS ang isang security guard habang malubhang nasugatan ang kanyang kasamahan matapos magduwelo habang naka-duty sa isang solar power plant sa Barangay Gueset sa Bugallon, Pangasinan kahapon.

Kinilala ng Bugallon Municipal Police Station (BMPS) ang namatay na security guard na si Jeffrey Pandas Camo, 39, habang ang nasugatan niyang kaalitan ay si Nelson Loriente, 51, kapwa ng nasabing bayan.

Sa inisyal na report, ayon sa BMPS, bago ang insidente, naka-duty ang biktima at ang suspek sa isang establisyemento nang nagkaroon sila ng pagtatalo hinggil sa hawak nilang service na handheld two-way radio.

Nagkasagutan ang dalawa at dito’y unang bumunot ng .38 revolver service handgun si Camo at binaril si Loriente, na gumanti naman ng putok gamit ang isang 12-gauge na shotgun.

Sinabi ng pulisya na parehong nagtamo ng bala ng baril sina Camo at Loriente at dinala sila sa Nazarene General Hospital sa Lingayen, Pangasinan ngunit dead-on-arrival si Camo dahil sa tama ng shotgun sa kanyang dibdib.

Si Loriente ay kasalukuyang ginagamot sa nasabing ospital. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on