WebClick Tracer

NEWS

Bad news sa mga pet lover 

May panukalang inihain sa Kamara para ipagbawal ang mga alagang hayop tulad ng aso at pusa na dalhin o isama sa loob ng mga restaurant o food establishment.

Nakapaloob ito sa House Bill No. 9570 o Pets in Food Establishments Act na inihain ni Kusug Tausug Party-list Rep. Shernee Tan-Tambut kung saan ay itinulak nito na ipagbawal na isama ang mga alagang hayop sa loob ng resto partikular na ang paggamit ng upuan sa loob ng mga kainan.

Nababahala umano ang kongresista na magkaroon ng epekto ang mga alagang hayop sa kalusugan ng ibang kostumer na may allergy at iba pang karamdaman.

Gayonman, nakasaad din sa panukala na kapag pinayagan ng isang resto ang mga alagang hayop ay kailangan mayroon silang hiwalay na dining area sa labas at hindi papayagan makapasok sa loob ng establisimyento.

“Pet owners shall provide diapers for pets and should there be spillage, they shall be responsible to clean the wastes of their pets. An employee of the establishment who is not assigned to prepare and serve food shall also immediately clean and sanitize the affected areas,” ayon pa sa panukala.

Sakaling maging batas ito, may itinakdang parusa laban sa paglabag ng may-ari ng resto, empleyado o pet owner katulad ng dalawang buwan hanggang isang taon na pagkabilanggo bukod pa sa P10,000 multa. (Eralyn Prado)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on