WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Bata tsugi sa nalulon na kendi 

Nasawi ang isang pitong taong gulang na batang lalaki matapos mabulunan ng gummy ball candy sa Barangay Poblacion, San Remigio sa Antique.

Ayon sa tiyahin ng biktimang si Tristan o Toto, nagpabili ang paslit ng gummy candy sa kanyang inang si Ara sa tindahan.

Nang makabili ang nanay, agad kinain ng bata ang candy subalit laking gulat ng nanay nang makita ito matapos ang ilang sandali na nahihirapan nang huminga.

Hindi sinasadyang nalulon pala nito ng buo ang bilog na candy.

Agad itong isinugod ng mga kaanak sa ospital at tinanggal ang nakabarang candy subalit nasawi rin ang bata. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on