WebClick Tracer

NEWS

Cable car tatakbo kaya sa Metro Manila?

Iminungkahi ng isang French company na gumawa ng cable car system bilang sagot sa matinding trapiko na nararanasan sa Metro Manila.

Sa Facebook post ng pamahalaang lokal ng Quezon City nitong Biyernes (Disyembre 8), inilatag ng kompanyang POMA Group sa pangunguna ni Benjamin Fauchier-Delavigne ang cable car system kay Mayor Joy Belmonte na ang konsepto ay batay sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Transportation (DOTr) kamakailan.

Kasama sa nasabing pulong sina Philippine Ambassador to France Junever Mahilum-West, Vice Consul Jackielou-Mary Gan, at Commercial Counselor Katrina Banzon.

Ayon sa kompanya, nasa 30,000 hanggang 40,000 pasahero ang makikinabang sa itatayong cable car upang makaiwas sa matinding trapiko sa Metro Manila.

Batay umano sa dalawang taong pag-aaral ng kompanya, nakitang possible ang cable car corridor na bibiyahe sa Marikina River na nasa teritoryo ng Marikina, Quezon City at Pasig. Ikokonek rin nito ang LRT-2 station sa Santolan, Libis at Eastwood sa MRT 4.

Kamakailan lamang nang pumayag ang France na magbigay ng tulong pinansyal sa Pilipinas para sa planong urban cable car system. (Vincent Pagaduan/Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on