WebClick Tracer

METRO

Eroplano ng PAF sumadsad sa Palawan

Lumihis sa runway ng Puerto Princesa airport ang isang light cargo aircraft ng Philippine Air Force (PAF) at sumadsad sa katabing madamong lugar nitong Sabado ng umaga.

Ayon kay Brig. Gen. Erick Escarcha, wing commander ng Tactical Operations Wing West, alas-9:30 ng umaga (Decembe 9) nang maganp ang aksidente pero minor incident lamang umano ang nangyari at wala namang nasugatan.

Aniya, wala namang sibilyang pasahero at tanging dalawang piloto at tatlong crewmember nito ang sakay ng eroplano.

Agad umanong nagsagawa ng precautionary measures ang mga piloto at wala namang nasira na mga ari-arian sa insidente.

Sinabi ni Escarcha na ang versatile na NC212i light lift aircraft ay ginagamit para sa hanay ng air operations tulad ng troop at cargo transport, search and rescue, medical evacuation at maritime patrols.

Maaari din aniya itong gumana sa mga hindi sementadong runway. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on