WebClick Tracer

METRO

Killer cop 5 taon nagtago, timbog

Nadakip na ng mga awtoridad ang isang pulis na wanted sa kasong pagpatay sa kanyang kabaro, limang taon na ang nakalilipas, matapos matunton ang kanyang pinagtataguan sa Caloocan City, kamakalawa.

Kinilala ang nasakoteng si POI Manolito Manatan, residente ng Barangay 28 ng lungsod, dating naka-assign sa Laguna PNP at na-AWOL dahil sa kasong pagpatay kay POI Joel Samonte, dati namang nakatalaga sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Dakong alas 9:30 ng umaga, may nakapag-tip sa mga tauhan ng District Special Operations Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) na namataan sa kanilang lugar ang akusado.

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon ang mga pulis at tinugis si PO1 Manatan, na mapayapa namang sumuko.

Noong Enero 2018, nagtalo sa isang lamay ang suspek at ang biktima kung saan kumuha ng lighter sa kanyang bulsa si Samonte.

Sa pag-aakala naman ni Manatan na baril ang bubunutin ng kabaro, inuhahan niya itong bumunot ng boga saka pinaputukan ang huli.

Tumakas at hindi na nag-report sa kanyang duty ang suspek kaya nababaan ito ng warrant of arrest hanggang sa madakip. (Orly Barcala)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on