WebClick Tracer

NEWS

Makabayan bloc hahabulin sa SC ang intel fund ni Sara 

Maghahain na rin sa darating na Lunes (Disyembre 11) ang Makabayan bloc ng kanilang petisyon sa Supreme Court (SC) para ideklarang unconstitutional ang P125 milyong confidential fund ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte noong 2022.

Ito na ang magiging pangatlong petisyon sa SC na humihiling na ideklarang unconstitutional ang confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) noong 2022.

“Matibay ang legal basis to challenge the constitutionality of the confidential funds. Walang expressly provided authority ang VP na gumamit nito,” ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa isang online briefing

Binigyang-diin naman ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na bukod sa kailangan ibalik ang naturang pondo, dapat lamang aniya na panagutin ang opisyal na ilegal na gumastos nito.

“Ang prayer natin dito ay, una, i-declare itong unconstitutional. Pangalawa, maibalik ito sa kaban ng ating kabayan. `Yun po ang ating prayers at siyempre makuha natin ang accountability noong involved na mga officials dito,” ayon kay Castro.

Ang Makabayan bloc ang unang kumuwestiyon sa confidential fund ng OVP noong 2022 dahil wala naman umanong inilaan na ganitong pondo sa ilalim ng national budget para sa nasabing taon. (Eralyn Prado)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on