WebClick Tracer

METRO

NPD, nakaposte na sa MMFF parade

Handang-handa na ang pamunuan ng Northern Police District (NPD), para sa seguridad ng mga artistang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa isasagawang “star parade” sa December 16, sa Valenzuela City.

Kahapon, nagkasa ng biglaang pagpupulong ang NPD kung saan ipinatawag ang apat na chief of police ng Caloocan-Malabon -Navotas at Valenzuela City Police Station, para sa security purposes ng mga celebrities.

Sa Navotas City magti-tipon-tipon ang mga sasakyan ng mga artista at dadaan ito sa Malabon at Caloocan City. Ang stop over ay sa Peoples Park sa Valenzuela City para sa maikling programa.

Nagpasalamat naman si Mayor Wes Gatchalian sa mga organizers at sa Valenzuela ito ginawa hindi katulad ng mga nagdaang panahon na laging host ang Manila. (Orly Barcala)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on