WebClick Tracer

NEWS

P60 per kilong bigas binabala sa Kapaskuhan

Nagbabala ang isang grupo na maaaring pumalo hanggang P60 per kilo ang regular-milled rice ngayong Kapaskuhan.

Sa panayam ng Teleradyo Serbisyo nitong Sabado, Disyembre 9, nagpahayag ng pagkabahala si Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo dahil hindi lamang aniya sa National Capital Region mataas ang presyo ng bigas kundi maging sa iba pang probinsya.

Maaaring magpatuloy aniya ang pagtaas ng presyo ng bigas ngayong holiday season at pumalo ito sa P60 per kilo.

Nabatid na naglalaro ngayon sa P52 hanggang 54 per kilo ang presyuhan ng bigas sa NCR at halos ganito rin ang kalakalan sa mga probinsya.

Ayon kay Estabillo, kapag nangyari ito na umabot sa P60 per kilo ang regular-milled rice malamang na walang maging solusyon ang gobyerno kundi ang pag-aangkat.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on