WebClick Tracer

NEWS

PBBM admin puntirya 9% poverty rate sa 2028 – NEDA

Nagpahayag ng paniniwala ang isang opisyal ng National Economic and Development Authority (NEDA) na mababawasan ng malaki ang poverty rate ng bansa pagsapit ng 2028 kasabay ng pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang news forum sa Quezon City nitong Sabado, Disyembre 9, sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon na mayroong “catch-up plan” ang administrasyon upang palakasin ang pagbangon ng ekonomiya matapos na bumagal dahil sa COVID-19 pandemya.

Sagot ito ni Edillon matapos tanungin kung makakayang abutin ng pamahalaan ang 9% poverty rate pagsapit ng 2028.

“Yeah. Tingin namin kasi blip talaga iyong 2021 dahil nga sa COVID. So, nakita naman na rin natin iyong parang what worked before and that was really kailangan mo talaga ng economic growth and then make sure na itaas mo iyong inclusiveness of the growth,” ayon kay Edillon.

Ipinaliwanag pa ng opisyal naging mabilis ang pagbangon ng labor market pagkatapos ng pandemia dahil na rin sa skills ng mga manggagawang Pilipino. Isang magandang pangyayari pa aniya sa pandemia ay hindi naman nito apektado ang mga imprastraktura na hindi gaya ng mga kalamidad.

Binanggit pa ni Edillon na pinakamalaki pa rin ang kontribusyon ng Central Luzon, Calabarzon at National Capital Region sa ekonomiya ng bansa.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on