WebClick Tracer

NEWS

Quezon City tinaas red alert sa COVID-19

Tumataas umano ang mga kaso ng nagkakasakit dahil sa COVID-19 sa Quezon City nitong nakalipas na linggo.

Dahil dito kaya itinaas ang red alert status sa COVID-19 early warning system ng pamahalaang lokal at nanawagan sa publiko na maging mapagbantay.

Nabatid na mula Disyembre 4 hanggang 7 ay nakapagtala ng 27 kaso ng COVID-19 na mas mataas ng 57.9% kumpara sa average noong nakaraang linggo.

Samantala, nasa 14.55% naman ang average positivity rate batay sa mga isinagawang pagsusuri.

Bukod pa rito, ang average na pang-araw-araw na rate sa bawat 100,000 populasyon ay nasa .85 at .1 ang tinatayang reproduction number.

Iniugnay ni QC Epidemiology and Surveillance Unit chief Dr. Rolando Cruz ang pagtaas ng mga kaso sa mga pagtitipon o party dahil sa nalalapit na Kapaskuhan at ang pagluwag ng mga protocol tulad ng pagsusuot ng face mask.

“We have seen in the past years during the height of the pandemic that holiday seasons really attract more cases. Since the chilly weather can also affect the immunity of our people, we would like to remind our citizens to remain vigilant especially for COVID-like symptoms such as cough, colds, and fever,” pahayag ni Cruz.

Nitong Disyembre 7, mayroong 186 na aktibong kaso ng COVID-19 ang naitala sa lungsod. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on