WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Senglot na hepe, winasiwas baril sa plaza

Sinibak sa puwesto ang hepe ng Tagoloan police matapos na mag-viral habang lasing na iwinawasiwas ang kaniyang baril sa town plaza sa Misamis Oriental.

Ayon kay Misamis Oriental Regional Police Provincial Office (MORPPO) Provincial Director P/Col Cholijun Caduyac, inalis niya bilang hepe ng Tagoloan Police si P/Captain Enqirue Francisco Dungog matapos mag-viral sa social media ang video ng insidente.

Sa video, nakitang lasing na lasing si Dungog habang iwinawasiwas ang boga nito sa plaza dahilan upang magkaroon ng tensyon sa lugar.

Mariing kinondena ni Caduyan ang maling gawain ng kanilang mga tauhan at ginagarantiya niya na walang magiging whitewash sa imbestigasyon.

Dagdag ng opisyal, anumang mga paglabag at maling pag-uugali na ginawa ng kanyang mga kapulisan ay may karampatang parusa na haharapin nang naaayon sa batas. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on