WebClick Tracer

SPORTS

Shai Gilgeous-Alexander binuhat OKC kontra Golden State sa OT

TUMIPA ng 38 points si Shai Gilgeous-Alexander at tinakasan ng Oklahoma City Thunder ang Golden State Warriors 138-136 sa overtime nitong Biyernes.

Bumakas ng 28 points si Jalen Williams, may 21 si Chet Holmgren sa OKC.

Pasabog ng 34 points si Stephen Curry, 10 dito sa OT, pero kinapos ang Warriors. May 22 points si Klay Thompson, umayuda ng 12 points, 13 assists si Draymond Green bago na-fouled out.

Naglista ng 15 points si Gilgeous-Alexander sa first half, umahon mula 14-point deficit ang Thunder sa second quarter para idikit sa 62-56 sa break.

Na-foul sa 3-pointer si Holmgren 7 seconds na lang sa fourth quarter, ipinasok niya ang tatlong free throws at nagbuhol sa 118. Sablay ang 3-pointer ni Curry sa harap ni Lu Dort sa buzzer kaya napuwersa ang extra time.

Inilista ng Thunder ang first 5 points ng OT at hindi na bumitaw. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on