WebClick Tracer

OPINION

Paluging kita 

Hindi na talaga mapipigilan ang pagsapit ng Pasko.

Kaliwa’t kanan na ang mga handaan at laging tampok ang lechong baboy.

Dahil bahagi na sa handaan ang lechong baboy – buo man o kilo lang- sinisiguro na ang mga ito ay ligtas at walang sakit tulad ng African Swine Fever o ASF.

Sa mithiing mapatatag ang suplay ng karne sa bansa, ang gobyerno partikular ang mga lokal na pamahalaan ay nagpapatupad ng mga hakbang para sa ‘surveillance’ ng ASF.

Sa pamamagitan ng Veterinary Office ng mga lalawigan at Munisipyo sa buong bansa katuwang ang Task Force na binuo ng National Government ang galaw o movement ng mga buhay na baboy at mga produkto nito ay mahigpit binabantayan.

Kapag nagkaroon ng kaso ng ASF sa isang partikular na lugar at nakumpirma, agad magpapatupad ang pamahalaan ng hakbang para makontrol ang paglaganap ng virus.

Isa sa mga ito ay ang pagbabawal na makakapasok at makalabas ng mga baboy –buhay at kinatay- isang kilometro ang distansiya sa lugar na nagkaroon ng “positive ASF infection.”

Isa rin sa mga ipinatutupad ng gobyerno ay ang maramihang pagpatay o ‘culling’ sa mga alagang baboy positibo man o hindi ng ASF kapag ito ay nasa tinatawag na “one kilometer radius”

Sa pinakahuling ulat na lumabas noong buwan ng Oktubre 2023, aabot sa 30 lalawigan sa bansa ang naapektuhan ng ASF.

Samantala sa ilang bayan ng lalawigan ng Oriental Mindoro, napaulat na ang mga nag-aalaga ng baboy – backyard farming ay ibinebenta na ng palugi ang kanilang mga “patabain.”

May mga ulat pa na barat na binibili ng mga middle man ang mga alagang baboy, P50 kada kilo ang farmgate price.

Ang mga nag-aalaga ng baboy kahit palugi ay kinakagat ang sitwasyon dahil sa impormasyon nab aka magdeklara ang Kapitolyo ng pagbabawal sa pagbenta ng mga alagang baboy – buhay man o kinatay – dahil sa banta ng ASF.

Dahil sa banta ng ASF, maraming maliliit na ‘hograisers’ ang naapektuhan. Kung ito ay nangyayari sa ilang bayan sa Oriental Mindoro, ito nagaganap din sa ibang lugar.

Karamihan sa mga maliliit na ‘hog raiser’ ay ipinangutang ang kanilang puhunan at dahil sa banta ng ASF, na tila walang magawa ang gobyerno na sawatain ang virus, ang lubusang naapektuhan ay ang mga maliit na magba-baboy, ang ilan at nagsara ang malungkot at hindi dapat nangyari may nagpatiwakal pa dahil hindi matanggap ang nangyari sa kanilang sitwasyon.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on