WebClick Tracer

NEWS

Pulis pasaway sa edsa, Bus nadisgrasya

Sugatan ang limang pasahero matapos maaksidente ang isang bus na umiwas sa police car na biglang pumasok sa EDSA busway nitong Miyerkoles ng hapon.

Agad na dinala ang mga pasahero sa Labor Hospital matapos na magtamo ng mga sugat, gasgas at mga pasa sa katawan.

Sa CCTV footage, naispatang binaybay ng bus ang Edsa busway nang biglang sumulpot ang sasakyan ng pulis na pumasok sa busway, at muntik nang mabangga ang bus.

Iniwasan ng bus ang sasakyan ng pulis at tumama sa bakod ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Santolan Station southbound.

Kakasuhan ng reckless driving ang pulis na nagmamaneho ng police mobile na sangkot sa insidente.

“Kausap na po namin yung district director ng QCPD at kakasuhan po yung pulis natin ng reckless driving dahil sa nangyaring insidente kung saan pumasok nga po siya doon sa bus carousel lane,” sabi ni P/Col. Jean Fajardo, tagapagsalita ng PNP.

Dagdag niya, ni-relieve na sa pwesto ang pulis na nakatalaga sa National Police Training Institute at inihahanda na rin ang kasong administratibo dito.

Ayon sa Quezon City police Traffic Sector 4, nagkaareglo ang mga pasahero at bus operator sa insidente, at nangako ang kompanya ng bus na sasagutin ang medical bills ng mga nasugatan.

(Dolly Cabreza/ Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on