WebClick Tracer

METRO

MMDA enforcer sinagasaan 2 pasahero sa EDSA

Isa umanong lasing na traffic enforcer na lulan ng motorsiklo ang nanagasa ng dalawang commuter sa Edsa busway nitong Linggo ng gabi.

Kaugnay nito’y pinaiimbestigahan na ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Don Artes at ang parusa ay depende sa status ng trabaho nito.

Sa Facebook post ng Special Action and Intelligence Committe for Transportation (SAICT), traffic enforcement arm ng Department of Tansportation (DOTr)), makikita sa video na pagewang- gewang ang hindi pa pinangalanang traffic enforcer ng MMDA habang sakay ng motorsiklo sa southbound lane ng Main Avenue Edsa busway.

Ayon sa report, nagtamo ng sugat at galos ang dalawang pasahero nang mahagip ng traffic enforcer kaya agad humingi ng tulong ang driver at konduktor ng bus sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na naka-duty sa lugar.

Nabatid na bukod sa tumangging i-turnover ng traffic enforcer ang kanyang lisensya sa mga sumitang kasamahan ay nagalit pa umano ito at sinabing ‘wag siyang pag-initan at dapat ay tulungan pa siya dahil magkakasama sila sa pagpapatupad ng batas-trapiko. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on