WebClick Tracer

METRO

Driver nakaidlip, sumalpok sa interchange

Isang closed van ang bumangga sa road separator ng Magallanes interchange South bound sa Edsa, Makati City.

Sa pahayag ng driver na si Noli Biaculo, bago mag-alas-4:00 ng umaga nang siya ay maaksidente.

Sinabing galing siya sa Sta. Maria, Bulacan patungong Sta. Rosa, Laguna para i-deliver ang mga dala niyang parcel pero nakaidlip siya habang nagmamaneho dahilan para bumangga sa road separator ng Magallanes interchange.

Sa lakas ng pagkakabangga, tatlong plastic barrier, tatlong conrete barrier at road signages ang kanyang nasalpok.

Gayunman, hindi naman nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang driver at wala ring nadamay na ibang sasakyan sa insidente.

Pero nagresulta ito sa mabigat na daloy ng trapiko sa lugar hanggang umabot sa Arnaiz Avenue.

Sa ngayon, dinala na ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang naaksidenteng van gamit ang isang tow truck habang iniimbestigahan pa ang insidente.

(Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on