WebClick Tracer

NEWS

Van, bus nagsalpukan sa Edsa

Isang UV Express van ang naaksidente sa kahabaan ng Edsa malapit sa Roxas Boulevard matapos mag-u turn sa maling u-turn slot kaya nakasalubong ang bus carousel.

Sa ulat ng isang rumespondeng tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), alas-5:45 ng umaga nang maganap ang aksidente.

Sinasabing pa-south bound ang u-turn slot pero nag-counter flow ang van at hindi nakita ng bus driver.

Isa lamang ang sakay ng bus na inaalam pa ang kalagayan.

Agad namang isinara ang kalsada sa lugar na tatagal hangga’t hindi pa umano natatanggal ang van at bus na kakarayin sa Traffic Bureau ng Pasay para sa masusing imbestigasyon.

(Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on