WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

BuCor exec minamaniobra food supply contract

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong mataas na opisyal ng Bureau of Corrections ang tila nag-aabogado para mapaboran ang isang food supplier?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, noong Nobyembre 08, 2023 ay nagsagawa ng early procurement ang BuCor at may nairekomenda na ang Bids and Awards Committee para igawad sa mga nanalong bidders ang pagsu-supply ng pagkain sa mga preso.

Umeksena raw itong opisyal na binansagan nilang si Atty. Pera dahil tila gustong gawing monopolya ang pagsu-supply ng pagkain. Gusto raw ni atorni na isang supplier lang ang makapasok.

Kahit raw nagkomenda na ang BAC na igawad ang kontrata sa mga nanalong bidder, pilit na gumagawa ng butas itong si Atty Pera para mai-award ang pakain sa iisang kumpanya lamang. Ang resulta ay sobrang na-delay sa proseso at malamang sa malamang ay maapektuhan ang pakain sa mga preso.

Buong BAC ng BuCor at TWG ay pinagsisigawan daw nitong si atorni dahil ayaw sundin ng BAC ang posisyon nya dahil ilegal daw ito at siguradong sasabit ang ahensya.

Pero dahil sa taas ng posisyon ni atorni ay takot ang mga tao sa kanya. Ang bukang bibig nito ay papalitan kita kapag ‘di ka sumunod sa sinasabi ko. Nakakaawa daw tuloy ang mga empleyado ng ahensiya dahil sa ginagawang pamimilit ni atorni.

Kulang na lang ay magsimba sa Baclaran ang mga empleyado para maboldyak ng Panginoon si atorni sa paghahangad nitong magkaroon ng monopolya sa catering sa BuCor.

Clue. Ang opisyal ay medyo ay medyo may pagkangiwi ang bibig at madalas na hindi makontrol ang pagtulo ng laway habang nagsasalita.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on