WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Solon reyna ng kalsada, inaway rider

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong mambabatas ang nakipag-away sa isang rider dahil sablay daw kung magmaneho?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, patungo sana sa kanyang opisina ang mambabatas pero naipit ito sa matinding trapik sa kanilang bayan.

Dahil dito, uminit na rin ang ulo ng mambabatas dahil male-late na ito sa kanyang hearing.

Malaki ang sasakyan ng lady solon kaya hirap makasingit sa matinding trapik.

Muntik pa raw silang magkasagian ng isang motorcycle rider. Aba’y imbes na ang kanyang driver ang magalit, ang mambabatas ang nagtatalak na parang tambutso ng motor sa lakas.

Hindi pa nakuntento sa pagtatalak, bumaba pa raw ang mambabatas para komprontahin ang rider.

Walang magawa ang rider dahil may nakabuntot na mga bodyguard ang mambabatas na may nakabukol na baril sa baywang.

Ang isa namang bodyguard, abala sa pagpapa¬yong sa mambabatas dahil baka mangitim ito sa tindi ng sikat ng araw.

Clue. Ang mambabatas na bumida sa road rage ay kilalang mahadera pero mayaman.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on