WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Abogado todo pangulangot sa Senate hearing

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong abogado na todo ang pangungulangot nang manood sa pagdinig ng Senado sa isyu ng Charter change kamakailan?

Ayon sa nasagap ni Mang Teban, pinagpiyestahan daw sa social media itong si attorney matapos mahagip ng camera ang pangungulangot nito.

Nakatutok ang camera sa isang resource person na dinikdik ng mga senador sa isyu ng people’s initiative.

Subalit hindi naging interesado ang mga Marites sa sagot ng resource person, bagkus ay ang eksena sa likod nito dahil hagip ang ginagawang paglilinis ni attorney sa kanyang ilong.

Noong una raw, kinalikot muna niya ng daliri ang kanyang ilong. Maya-maya, ginamitan na niya ito ng panyo para linisin ang dalawang butas ng ilong.

Habang naglilinis ito ng ilong ay panay naman ang kausap ng katabi nitong babaeng opisyal din.

Noong makatapos sa paglilinis ng ilong, pinagpag na nito ang kanyang panyo. Walang kamalay-malay ang mga katabi na nagtalsikan na ang mga kulangot ni attorney.

Hindi man lang daw nag-CR si kolokoy habang ginagalugad ang dalawang kuweba, marahil ay palaging absent nang ituro ang GMRC sa iskul.

Clue: Mahuhulaan n’yo ang pangalan ni attorney dahil kapareho ito ng bida sa isang teleserye.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on