WebClick Tracer

SPORTS

Manny Pacquiao 47 sinibak sa MPBL

Siniwalat ni Maharlika Pilipinas Basketball League founder Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao ang pag-ban sa 47 players at team officials na mga nasangkot sa game-fixing kasabay sa pagsiwalat programa ng liga ngayong taon.

Una sa napagdesisyunan sa meeting niya sa mga team owner Martes ang pagluluwag na simula sa taong kasalukuyan sa mga team sa pagkuha ng mga ex-pro player mula sa limitadong pito lang bawat isa sa 29 na koponan noong iswang taon.

Kinatigan din sa pulong na dinaluhan nina MPBL officials, Commissioner Kenneth Duremdes, Executive Officer Joe Ramos at Operations Head Emerson Oreta, ang pagpapahintulot na ring lumaro ng NCAA at UAAP cagers basta’t may Special Guest Licences sa GAB.

Hinirit ni Pacquiao na Mar. 6 ang siklab ng 6th MPBL 2024 makaraan ang pre-season tournament sa GenSan sa Feb. 20-27 kasabay ng Kalinangan Festival ng lungsod, at ang pagtanggap sa mga prangkisa ng Abra at Pangasinan.

Tagumpay rin aniya ang 5th MPBL 2023 na pinagharian ng Pampanga Giant Lanterns, dahil nakarating ito sa may 35.5 milyon, binisita ng 33 milyon, 6 milyon ang nakipag-content inteactions at mahigit milyon ang sumubaybay sa Facebook page.

(Ramil Cruz)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on