WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Politiko chinurva seksing aktres sa abroad

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong seksing aktres na iniintriga na pumatol sa politikong pamilyado na?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, naispatan daw ang dalawa na magkasama sa abroad na wala pang limang oras ang layo sa Pilipinas.

Kilalang matulis ang politiko, katunayan ay parang nagpapalit lang ito ng damit sa dami ng babaeng dumaan sa kanyang kamay.

Modus ng politiko na dalhin sa abroad ang natitipuhang babae saka doon chuchurvahin. Kapag nag-check in ito sa hotel, buong araw itong hindi lalabas kasama ang babae. Kaya naman kapag bumaba ito ng hotel para mag-dinner, paborito nitong orderin ang mga pampalakas ng tuhod.

Mayaman ang politiko at pogi pa kaya hindi nakapagtatakang marami itong nabibingwit.

Nakursunadahan ni politiko si aktres dahil sa galing nito sa banyera este sa mga wet look na lalong nagpapainit sa mga yakman.

May asawa at mga anak na ang politiko pero dahil tanders na ang kanyang misis kaya palaging naghahanap ng mga sariwa sa showbiz.

Clue: Ang politiko ay mahilig kumain ng batchoy habang sanay naman kumain ang aktres ng foreign food.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on