WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Bangkay pa, nahukay sa Davao landslide

Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring landslide sa Maco, Davao de Oro matapos na umabot na sa 28 ang narekober na mga bangkay.

Batay sa pinakahuling ulat na inilabas ng Maco Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office, bukod sa 28 nasawi umakyat na rin sa 32 ang bilang ng mga nasugatan habang nasa 89 na katao pa ang napaulat na nawawala.

Nitong Biyernes, himalang nahukay ng buhay ang isang 3- anyos na batang babae matapos ang dalawang araw na nakabaon sa gumuhong lupa.

Ayon naman kay PDRRM head Joseph Randy Loy, mas pinalawig pa ng Maco MDRRMO ang kanilang search and rescue operations sa pag-asang may masasagip pang maraming buhay mula sa trahedya.

Samantala, nanawagan ang Office of Civil Defense (OCD) sa mga taong napaulat na naghahanap ng ginto sa landslide na wag munang sumabay sa search, rescue and retrieval operations.

Una nang napaulat na dumagsa ang mga tao sa kalapit na ilog nang mabalitaan na may mga naanod na ginto mula sa bukid.

(Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on