WebClick Tracer

NEWS

Sports car owner nagtatago, yari sa BOC

Nagbabala ang Bureau of Customs (BOC) nitong Sabado, Pebrero 10) sa may-ari ng isa sa dalawang puslit na sports car kapag nagpatuloy ito sa pagtatago sa halip na harapin ang mga awtoridad.

Muling naglabas ng pahayag ang BOC kung saan tiniyak ni Commissioner Bien Rubio na matatagpuan din nila ang isang nagngangalang Thu Thrang Nguyen na sinasabing may-ari ng kulay asul na Bugatti Chiron na may plate number NIM 5448.

Una nang natunton ng BOC ang isa pang puslit na Bugatti Chiron matapos itong isuko sa ahensiya ng may-ari na nakatira sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City noong Biyernes.

“Surrender, or you will face the consequences,” babala ni Rubio sa may-ari ng asul na sports car.

May impormasyon na umano ang BOC sa kinaroroonan ng puslit na sasakyan subalit kanila pang bineberipika ito kung kaya’t makabubuti sa may-ari ang sumuko na lamang.

Ang pulang Bugatti Chiron na may plate number NIM 5450 ay nakarehistro sa isang Menguin Zhu. Isinuko na ito sa mga ahente ng Customs Intelligence and Investigation Service.

Base sa Section 1512 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Customs Administrative Order 03-2022, may cash reward para sa impormante na makakapagturo sa kinaroroonan ng smuggled goods at items.

Sasampahan naman ng kaso ang mga may-ari ng puslit na sports card dahil sa paglabag sa CMTA.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on