WebClick Tracer

METRO

2 rider malagim ang last trip

Todas ang dalawang driver ng motorsiklo matapos silang kapwa tumilapon nang magsalpukan ang kanilang mga sasakyan sa Sto. Tomas City, Batangas kahapon nang umaga.

Kapwa hindi na umabot ng buhay sa ospital sina Jonel Gardoña , 33-anyos, taga-Brgy Balibago, Sta Rosa, Laguna at Esmeraldo Nadong, 58 anyos, Novaliches, Quezon City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Sto Tomas City police, bandang alas 4:15 nang umaga nang magkasalubong at magbungguan ang dalawang sasakyan sa Maharlika highway, Brgy Santa Anastacia.

Sa lakas ng impact, kapwa nagtamo ng grabeng pinsala ang mga ito at magkasabay na isinugod ng mga nagrespondeng tauhan ng Santo Tomas City CDRRMO sa Laurel District Hospital sa Tanauan City.

Gayunman, kapwa idineklarang dead on arrival ang mga ito.

Iniimbestigahan pa ang insidente.

(Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on