WebClick Tracer

METRO

Asst. branch manager tiklo sa inumit na tsokoleyt

Dahil sa anim na pirasong milk chocolate na nagkakahalaga ng P294.00, nawalan ng trababho ang isang assistant branch manager nang mabistong inumit niya ang mga ito at itinago sa kanyang bag sa Imus City, Cavite.

Kinilala ang suspek na si alyas ‘Greggy’, 44 anyos, assistant branch manager ng Merry Mart Grocery, Anabu Branch na matatagpuan sa loob ng City Mall Barangay Anabu 1-B, Imus City, Cavite.

Inireklamo ito mismo ng kanilang branch manager ng Merry Mart Grocery Center Inc.

Sa ulat ni Police Staff Master Sergeant Benedicto Colorado ng Imus City Police, bandang alas-3:50 nang hapon noong Sabado nang sitahin ito ng security guard.

Nakita sa kanyang bag ang ang isang orange na plastic bag na naglalaman ng anim na piraso ng Meiji Milk Chocolate na nagkakahalaga ng P 294.00.

Wala rin itong naipakitang resibo dahilan upang imbitahan ito sa security office at pinapanood sa kanya ang footage sa CCTV kung saan nakitang kinuha nito ang mga tsokolate habang sarado pa ang tindahan bandang alas 7:08 nang umaga.

(Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on