WebClick Tracer

METRO

Clean up drive dinagsa ng 1,800 volunteer

Abot sa mahigit 1,000 sako ng basura ang nakolekta sa inilunsad na Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan (KALINISAN) clean up drive sa Megadike, Barangay Dampalit, Malabon City.

Ayon kay Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, nakahakot ng 1,124 sako ng basura ang Malabon City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa tulong ng mahigit sa 1,800 indibidwal na lumahok sa aktibidad.

Kasama ni Sandoval sa aktibidad sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin C. Abalos Jr., National Barangay Affairs Office (NBOO) Usec Felicito A. Valmocina, DILG Malabon OIC CD Jess Marie A. Acoba, CESE at Barangay Dampalit chairman Edilberto “Butch” Cruz.

Bago simulan ang sabay-sabay na paglilinis, pinangunahan nina Abalos at Sandoval ang Pledge of Commitment kung saan hinikayat nila ang lahat ng taga-lungsod na maging disiplinado at makibahagi sa pagpapanatili ng kalinisan sa komunidad tungo sa maunlad na lugar.

Nagpasalamat naman si Sandoval sa DILG at sa lahat ng mga volunteer mula sa Malabon gayundin sa mga kalahok na ahensya tulad ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP), National Capital Region Police Office (NCRPO), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Department of Natural Resources – National Capital Region (DENR-NCR), DENR-MEO Estero Ranger, mga empleyado ng lokal na pamahalaan, mga barangay at SK official at mga estudyante ng City of Malabon University (CMU) dahil sa tagumpay ng nasabing aktibidad.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on