WebClick Tracer

METRO

Koreano todas, dugo nagkalat sa Sogo Hotel

Isang South Korean ang natagpuang patay sa loob ng kuwarto ng hotel sa Sta.Rosa City, Laguna noong Sabado nang umaga.

Ayon sa pulisya, mag-isa lang ang 56-anyos na dayuhan nang mag-check in ito sa sangay ng Sogo Hotel sa Barangay Sta. Cruz, Sta. Rosa City bandang alas-dos nang madaling araw noong Biyernes.

Gayunman, wala na itong buhay nang matagpuan ng hotel coordinator sa kanyang tinuluyang silid sa Room No. 324 bandang alas-singko nangumaga noong Sabado.

Nagkalat din umano ang dugo sa kuwarto ng dayuhan dahilan para maghinala ang mga awtoridad na nagpakamatay ito.

“Wala siyang kasama nang mag check-in kaya sino ang gagawa sa kanya noon maliban na lang kung pinasok siya ng magnanakaw na imposible ring mangyayari dahil sa seguridad ng hotel at may mga CCTV camera sa paligid,” ayon sa mga imbestigador.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon at inaalam na ang dahilan ng pagkasawi ng dayuhan.

(Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on