WebClick Tracer

METRO

Laglag barya gang huli sa Makati barangay tinangka pang suhulan

Isang grupo ng mga mandurukot ang nabitag sa entrapment operation ng mga tauhan ng barangay Palanan at Makati City Police noong Sabado

Ayon sa deputy executive officer ng Barangay Palanan, inilunsad nila ang operasyon matapos humingi ng tulong ang isang pasahero ng jeep na biktima ng laglag barya at nadukutan ng cellphone sa kanilang nasasakupan bandang alas-nuwebe nang gabi noong Sabado.Nabitag at nadakip ang dalawa sa mga suspek.

Samantala. habang hinihintay ang pagdating ng mga pulis ay tinangka pa umano ng dalawa na suhulan ang barangay at complainant para hindi na magsampa ng reklamo laban sa kanila.

Hindi nagtagal, dumating ang dalawang babae sa barangay na may dalang P20,000 at pilit umanong iniaalok sa barangay kapalit ng kalayaan ng dalawang suspek.

Hindi alam ng dalawang babae na naka-record ang kanilang usapan at nagulat ang mga ito nang pumasok sa tanggapan ang mga pulis at inaresto ang dalawang babae kasama na ang dalawang lalaking mandurukot.

Desidido ang biktima at ang barangay na maghain ng reklamo laban sa mga suspek.

(Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on