WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Lider ng NPA, galamay patay sa Leyte bakbakan

Bumulagta ang isang umano’y leader ng New People’s Army (NPA) kasama ang galamay nito nang napasabak sila sa bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan sa Albuera, Leyte noong Sabado.

Kinilala ang mga nasawing suspek na sina Rolando Caballera, miyembro ng NPA regional executive committee sa Eastern Visayas at Crispolo Agunos Jr., platoon member ng terrorist group.

Ayon sa ulat ni Brig. Gen. Noel Vestuir ng 802nd Brigade ng Philippine Army, si Caballera ay may pending warrant of arrest sa pamamaslang sa ilan nitong dating mga kasamahan na nagbalik loob sa pamahalaan.

“The deaths of these two notorious NPA terrorists are a result of the firm resolve and commitment of our people to prevent the recovery efforts of NPA remnants in their community. Through the timely information provided by some residents, we have pinpointed the area where these terrorists hide. Indeed, we attain the situation that the people are inhospitable to these NPA terrorists,” pahayag ni Vestuir.

Matagal na aniyang tinutugis ng militar at pulisya ang grupo ni Caballera dahil sa pagkakadawit sa patayan at pangingikil sa taumbayan.

Isang tip ang nakuha ng militar tungkol sa presensya ng grupo noong Sabado ng umaga sa upland area ng Barangay Tinag-an habang nangongotong ang grupo nito sa mga residente ng lugar.

Agad rumisponde ang militar sa lugar kung saan ay nagkaroon ng 15-minutong palitan ng putok sa pagitan ng dalawang grupo na ikinasawi ng dalawang suspek.

Wala namang nasugatan o nasawi sa tropa ng pamahalaan.

(Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on