WebClick Tracer

NEWS

P65 diskuwento sa mga senior citizen hindi na sapat- Tulfo

Nakatakdang bubusisiin ni ACT-CIS Representative Erwin Tulfo ang Senior Citizens Act sa sandaling isinalang ito sa review.

Si Cong. Tulfo, na Deputy majority leader din ng Kongreso ay isinama ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa Technical Working Group (TWG) para rebyuhin ang Senior Citizen Law.

Ayon kay Rep. Tulfo, “kaliwa’t-kanang reklamo na kasi na hindi naibibigay ng tama o hindi talaga binibigay ang mga benepisyo ng mga senior ng ilang mga business establishments kaya rerebyuhin na ng kongreso ang naturang batas”.

“Medyo obsolete na ang ilang probisyon dito tulad ng P65 na discount. Ano pa mabibili sa P65 ngayon?”, aniya.

Pinapaalis na rin ng mambabatas ang pagbibitbit ng discount booklets ng mga senior dahil lagi naman daw nila itong nakakalimutan o hindi naman na-iisyuhan ng bagong booklets sila ng local government units (LGU).

Dagdag ng mambabatas, “kapag hindi nila dala ang booklet, e, sorry na lang. Walang discount o balikan nila bahay”.

“Congress will make sure this time na maibibigay na ng tama ang mga discounts ng mga seniors at pwds na rin pagrebyu namin ng batas na ito”, pahabol ni Tulfo.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on