WebClick Tracer

SPORTS

Patas ang lakas ng 12 koponan – Ricky Palou

Sisimulan ng Premier Volleyball League ang ikapitong edisyon sa taong 2024 na may matatag na 12-team lineup, kabilang ang dalawang bagong karagdagan, na nangangako ng isang kapana-panabik na taon ng elite women’s volleyball action sa bansa sa loob tatlong conference.

Ipinahayag ng pangulo ng liga na si Richard ‘Ricky’ Palou ang kanyang pananabik sa paparating na season, binibigyang-diin ang pagkakahanay sa kalendaryo ng liga sa world governing body upang patuloy na pagsamahin ang domestic at international volleyball events.

“This year’s calendar is designed to align with the FIVB schedule, ensuring a seamless integration of international and domestic volleyball events. We are committed to delivering a world-class experience for our fans and players alike,” litanya ni Palou, ang pinuno rin ng nag-oorganiang Sports Vision Management Group Inc.

Misyon ng six-time champion Creamline na mapanatili ang dominasyon sa PVL All-Filipino Conference na may buo at mapuwersang roster, habang ang ibang koponan, tulad ng two-time Reinforced Conference winner Petro Gazz at gutom sa titulong Cignal, nagpalakas ng mga lineup para sipain sa trono ang Cool Smashers.

Asinta rin ng Choco Mucho, PLDT Home Fibr at Chery Tiggo ang tagumpay, habang ang Akari, Nxled, Farm Fresh at Galeries Tower mga optimistiko sa pagkakataong ito mula masinsinang paghahanda.

Ang mga bagong dating na Capital1 at Strong Group mga sabik din at handang gumawa ng epekto sa kanilang ‘binyag’ sa liga, ipapakita ng kanilang mga talento kung saan nagsimula ang lahat.

Binuhay ng Sports Vision ang dating natutulog na isport noong 2004 bilang isang inter-collegiate V-League. Binago ang pangalan sa PVL noong 2017 at ginawang propesyonal na liga noong 2020. Sa kabila ng pahinga noong 2021 dahil sa pandemya, bumalik ang liga na mas malakas.

Nangangako ang bagong season na isang blockbuster, sa pagdiriwang sa dalawang dekada ng organisadong volleyball ng Sports Vision, kabilang ang panlalaki, habang nagbibigay ng libangan para sa tagahanga at nag-aalaga ng mga manlalaro sa kalibreng pang-internasyonal.

Ilulunsad ang 2024 season sa Miyerkoles (Feb. 14) sa Discovery Suites’ Columbus Room sa Ortigas Center.

Nagho-host din ang Cignal ng dalawang araw na media day na matatapos ngayon (Lunes), nagbibigay-daan sa mga tagahanga na masilip ang mga koponan at manlalaro sa pamamagitan ng isang Pilipinas Live stream.

Kasunod ng All-Filipino Conference, ang PVL ay lilipat sa Reinforced Invitational, na magtatampok ng mga dayuhang panauhing manlalaro habang hindi kasama ang mga miyembro ng pambansang koponan. Dalawang dayuhang koponan ang magdadagdag ng internasyonal na likas na talino sa kompetisyon.

Pagkatapos ng pahinga, ang pinakaaabangang 2024-25 All-Filipino Conference ay naka-iskedyul mula Okt. 2024-Mayo 2025, na nag-aalok ng pinahabang season para masaksihan ng mga tagahanga ang pinakamahusay na sport sa ‘Pinas.

Ang liga ay nananatiling nakatuon sa paghahatid ng matatas aksyon ng volleyball, na titiyak sa isang hindi malilimutang paglalakbay para sa mga tagahanga at manlalaro sa buong taon.

(Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on