WebClick Tracer

NEWS

Alamin ang payo ng DOH sa emotional stress

Mayroong payo ang kalihim ng Department of Health (DOH) para sa mga indibiduwal na nakakaranas ng emotional stress.

Sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa, maaaring makaramdam ng sakit mula sa emotional stress dahil sa isang kondisyon na tinatawag na psychosomatic disorder.

Sa paliwanag ni Herbosa, isang sikolohikal na kondisyon ito kung saan ang nararamdaman ng isip at damdamin ay humahantong sa mga pisikal na sintomas.

Kaya naman nagbabala ang kalihim na maaari itong humantong sa mga problema katulad ng pagpalya ng puso.

Makakatulong aniya upang maiwasan ito ang maghanap ng taong handa kang pakinggan.

“It’s important to talk. Kung ikaw ay isang taong may problema, humanap ka ng taong makikinig. And iyong sa mga tao naman, tenga lang ang kailangan n’yo, makinig lang kayo,” sabi ni Herbosa.

Ngayong Valentines Day, pinayuhan niya ang mga Pilipinong sawi sa pag-ibig na ingatan ang mental health.

“Makakahanap ka pa ng ibang kapalit, baka mas magaling pa,” wika niya.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on