WebClick Tracer

SPORTS

Arnel Aguilar, Blazers binulaga Spin Doctors

TEAM STANDING

POOL A W L

Cignal 1 0

St. Benilde 1 1

Savouge 1 1

PGJC PN 0 1

POOL B W L

D’Navigators 1 0

VNS Asereht 0 1

PH Air Force 0 0

PH Army 0 0

Mga laro ngayon

(Rizal Memorial Coliseum)

1 pm – Navy vs Cignal

3:30 pm – Air Force vs VNS

6 pm – Iloilo vs Army

Ibinangon ni Arnel Christian Aguilar ang College of Saint Benilde, sorpresang tinimbog ang Savouge Spin Doctors, 25-20, 25-23, 25-23, sa Day 2 ng 3rd Philippine National Volleyball Federation Champions League 2024 men’s division prelims Lunes sa Rizal Memorial Coliseum.

Kumayod siya ng 12 points lahat sa spike upang ibawi ang Blazers ni coach Arnold Laniog buhat sa straight sets loss sa Cignal pagsambulat noong linggo ng torneo na inoorganisa ng PNVF sa pamumuno ni Ramon ‘Tats’ Suzara.

Tinablahan ng Taft-based squad sa 1-1 win-loss slate ang biktima para magtabla sa ikalawang puwesto ng Pool A sa likod ng HD Spikers (1-0) sa kaganapang mga hatid ng ng PLDT, Ayala Land, Nuvali, Cignal, One Sports, One Sports+, Mikasa, Senoh, Foton, Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission.

‘Di nasustena ng Savouge ang four-set win kontra PGJC Philippine Navy noong Linggo, samantalang na-sweep din ng D’Navigators Iloilo ang VNS Asereht Griffins sa isa pang laro sa naturang araw. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on