WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Bakasyunistang Korean nalunod sa resort

Isang 50-anyos na lalaking Korean national na nagbabakasyon lamang sa Cebu ang nalunod habang naliligo sa beach resort sa Sitio Tongo, Barangay Basdiot, Moalboal nitong Linggo.

Ayon kay Police Captain Claudio Gako, hepe ng Moalboal Police Station, nadiskubre ng isang mangingisda ang katawan nito na lulutang-lutang sa dagat.

Ayon sa mga awtoridd, nagrenta ang Koreano ng kuwarto sa resort, at nakatakda na itong mag-check out subalit humirit pa umano ng extension sa information desk para muling makapaligo.

Doon na ito huling nakitang buhay ng mga staff.

Sumaklolo pa ang ilang turista at isinugod ang biktima sa ospital subalit binawian na ito ng buhay.

Nakipag-ugnayan na ang pulisya sa Korean Consul para maipaabot sa pamilya nito ang pangyayari. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on