WebClick Tracer

NEWS

Cha-cha dinurog ng mga eksperto

Nagpahayag ng pagtutol ang ilang constitutional expert sa panukalang amiyendahan ang ilang probisyon ng Konstitusyon na nauna nang sinabi ng mga nagsusulong ng Charter change (Cha-cha) na masyadong restrictive o mahigpit para sa foreign investment.

Sa ikalawang pagdinig ng Senate subcommittee on constitutional amendments and revision of codes ukol sa Resolution of Both Houses (RBH) no. 6, inihayag nina dating Commission on Election (Comelec) Commissioner Atty. Rene Sarmiento at retired Associate Justice Antonio Carpio na ang pag-amiyenda sa Saligang Batas ay hindi solusyon para umangat ang ekonomiya ng bansa.

“Revising the economic provisions will not be the Midas Touch that will unlock the economic prospects and promise of the Philippines,” sabi ni Sarmiento.

Sinang-ayunan naman ni Carpio ang sentimiyento ni Sarmiento at kinontra ang sinasabi ng mga nagsusulong ng Cha-cha ukol sa mahigpit na economic provisions ng 1987 Constitution sa mga dayuhan.

“Those are all false. The Philippines today has one of the most liberal foreign investment laws in the ASEAN (Association of Southeast Nations) as well as in Asia,” ani Carpio.

Samantala, sinabi naman ng kilalang national economist at constitutional framer Dr. Bernardo Villegas na “insignificant” ang epekto ng panukalang economic Cha-cha sa pagtugon sa kahirapan sa bansa.

Paliwanag niya, ang foreign investment sa advertising at edukasyon ay hindi capital intensive at hindi makakadagdag sa foreign direct investment sa bansa.

“It is admittedly chicken feed and will not impact poverty,” sabi ni Villegas sa komite. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on