WebClick Tracer

METRO

Crew nabulunan sa barbecue, dedo

Natagpuang patay sa loob ng CCTV room ng isang convenience store ang isang crew nito sa Sto. Tomas City, Batangas Linggo ng gabi.

Ayon sa report ng Sto. Tomas City police, nakadapa sa loob ng CCTV room ang biktimang si Russel Malveda, 35, nang ito ay madiskubre ng kanyang mga katrabaho dakong alas 11:00 ng gabi.

Sa imbestigasyon ng pulisya, batay sa kuha ng CCTV, lumalabas na nawalan ng malay ang biktima matapos mabulunan ng kinakaing pork barbeque habang naghahapunan sa loob ng room.

Isinugod pa ito ng mga tauhan ng CDRRMO sa Laurel Memorial District Hospital sa Tanauan City subalit idineklara na itong dead on arrival ng doktor.

Wala namang nakikitang foul play ang mga awtoridad sa pangyayari. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on