WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Ex gov’t exec, aktres nabisto churvahan dahil sa condom

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong dating opisyal ng gobyerno na nabistong may relasyon sa isang aktres dahil sa gamit na condom sa kuwarto.

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, madalas daw bumisita ang dating government official sa condo unit ng aktres dahil daw sa isang proyekto.

Kapag bumibisita ang ex-official, inuutusan ng aktres ang kasambahay na mag-grocery muna.

Isang beses daw, napaaga ang uwi ng kasambahay kaya naabutan niya itong dating government official na nakaupo sa sofa at umiinom ng tubig.

Akala niya ay dumaan lang sa stairway ang bisita para makarating sa condo unit ng aktres kaya ganun na lamang ang pawis at hingal nito kaya kinailangang uminom ng tubig.

Noong makaalis na ang dating opisyal ng gobyerno kasama ang among aktres, doon na naglinis ng condo unit ang kasambahay. Laking gulat nito nang makita sa kuwarto ng kanyang amo ang gamit nang condom.

May asawa na at mga anak ang dating government official habang ang aktres ay nakapag-asawa naman ng madatung.

Clue: Ang pangalan ng dating government official ay puwedeng hanapin sa Bibliya, habang ang aktres ay rich na ngayon.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on