WebClick Tracer

SPORTS

Faith Alcoseba, Kim Remolino bumida

Giniit nina Raven Faith Alcoseba at Andrew Kim Remolino ang pagiging pre-race favorites nang pamayagpagan sa magkaibang diskarte ang Go for Gold Sunrise Sprint nitong Linggo sa CamSur Watersports Complex sa Pili.

Banderang tapos si Alcoseba sa women’s division, pinoste ang oras na 01:08:52 sa pagdaig sa sumegunda’t terserang sina Heart Quiambao (01:14:09) at Nicole Del Rosario (1:14:38).

Ungos si Remolino kina Matthew Hermosa at Renz Corbin sa 01:04:33 clocking sa panalo sa men’s side ng sub-category event ng 5150 CamSur Triathlon na may 750-meter swim, 20-kilometer bike, 5k run distance. Pareho ang oras nina Hermosa at Corbin na 01:04:49.

Kapwa kinakatawan nina Alcoseba at Remolino ang Team Go fof Gold Cebu, na niladlad ang pambihrang porma sa tuloy-tuloy na masinsinang training sa short distance triathlon, sinaluhan ang 5150 CamSur overall winners na sina Marion Kim Mangrobang at Edward Macalalad.

Si Alcoseba ang sumungkit ng bronze medal sa Vietnam 2022 SEA Games duathlon samantalang silver ang hinablot ni Remolino sa Olympic distance triathlon.

Iniuwi ni Hermosa ang 15-19 age-group samantalang si Remolino ang 20-24 sa kaganapang inorganisa ng The IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc., na naghudyat din sa pagbabalik ng sport sa orihinal na destinasyon.

Ang iba pang nanalo men’s categories ay sina Mark Novallasca (25-29), Bryan Tan (30-34), Saidamen Manabilang (35-39), Dennis Llagas (40-44), Emilio Corral (50-54) at William Menes (55-59).

Hinagip din ni Alcoseba ang women’s 20-24 trophy, si Raizzen Azada ang 15-19 crown, si Regina Rosquites ang 30-34 class, at si Liza Jane Reyes ang 45-49 category.

Sinakote ng TLTG GfG nina Alcoseba, Corbin, John Lalimos, Johnwayne Ybañez at Fidel Redillas ang best team award sa combined time 5:41:56.66, habang ang Team GfG nina Remolino at Hermosa kasama sina Carron Cañas, Randle Belleza at Jeremy Randell Go ang pumangawala sa 6:07:09.20. (Ramil Cruz)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on