WebClick Tracer

METRO

Karinderya nagliyab, palengke nadamay

Halos matupok ang lahat ng mga stall nang masunog ang isang palengke sa Bago Bantay, Quezon City nitong Lunes ng madaling araw.

Ayon sa Quezon City Fire Department, nagsimula ang sunog sa isang karinderya alas-4:45 ng madaling-araw.

Sa pahayag ng mga nakasaksi, isang malakas na pagsabog ang kanilang narinig na sinundan nang pagliyab ng apoy.

Paliwanag ng BFP, nasa 90% ng mga stall na tindahan ng iba’t ibang mga produkto mula sa wet and dry section ang nilamon ng apoy.

Wala namang napaulat na nasawi o nasaktan sa mga nagtatrabaho sa nasunog na Abra Market na naapula pasado alas-6:00 ng umaga.

Inaalam pa ang sanhi at halaga ng mga ari-arian na naabo sa sunog na umabot lamang sa unang alarma. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on