WebClick Tracer

NEWS

Misis ni Harry Roque sinibak sa Pag-IBIG Fund

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bagong board member ng Pag-IBIG Fund kapalit ni Mylah R. Roque, asawa ni dating Presidential Spokesman Harry Roque.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), itinalaga ng Pangulo si Maria Lourdes D. Doria-Velarde bilang acting member ng Board of Trustees ng ahensiya na kumakatawan sa sektor ng private employers.

Nagsilbi si Velarde bilang deputy general manager for administration ng Duty Free Philippines. Naging miyembro rin siya ng board ng Nayong Pilipino Foundation at Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC 13).

Si Doris-Velarde ay isa ring content creator at culinary arts expert. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on