WebClick Tracer

METRO

Mukha, daliri ng dalagita tinaga ni erpat

Malubhang nasugatan ang 17-anyos na dalagita nang pagtatagain ng lasing niyang ama sa Barangay Paoa, Vigan City, Ilocos Sur kamakalawa.

Ayon sa Vigan City Police Station (VCPS) ang suspek ay kinilala na si Romelo Gasilos Pajarillo, 42, ng nasabing barangay.

Sa report, sinabi ng VCPS, bago ang insidente, dumating si Pajarillo sa kanilang bahay na lasing.

Dahil dito, pinutakan ng kanyang asawa na si Ma. Theresa Alones Pajarillo, 41, at ng kanyang anak na babae (biktima) ang suspek.

Pumunta sa kusina ang ama, kumuha ng itak at tinaga sa mukha kasama ang ilong, bibig at daliri ng dalagita.

Agad na dinala ang biktima sa ospital at ngayo’y ligtas na umano.

Tumakas ang suspek pagkatapos ng insidente at siya ngayon ay pinaghahanap ng pulisya. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on