WebClick Tracer

NEWS

NEDA aminadong napag-iwanan ang Mindanao

Aminado ang National Economic and Development Authority (NEDA) na napabayaan at napag-iwanan ang Mindanao sa matagal na panahon kaya mabagal ang pag-usad ng pag-unlad sa rehiyon.

Tugon ito ng NEDA kasunod ng isyu ng “One Mindanao” na nais isulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon na ito ang dahilan kaya sinisikap ng gobyerno na mapunan ang pagkukulang upang makasabay ang Mindanao partikular ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pag-unlad tulad ng ibang rehiyon.

Bagamat maunlad aniya ang Davao City, mas maraming lugar sa Mindanao ang mahirap batay sa poverty statistics ng gobyerno.

“Nagkaroon na talaga ng neglect noong dati. It has to be recognized as well. So iyan ang kina-catch up natin– iyong matagal na panahon na na-neglect and Mindanao, napag-iwanan talaga sila,” ani Edillon.

Pero, naniniwala ang opisyal na sa kabila ng inilutang na kagustuhang ihiwalay ang Mindanao, hindi aniya ito magtatagumpay dahil mismong mga opisyal ng BARMM ay hindi sumusuporta rito. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on