WebClick Tracer

NEWS

Online selling scam pinakamarami sa cybercrime – PNP

Patuloy ang pamamayagpag ng mga scammer sa online, ayon sa Philippine National Police.

Sa isang press briefing sa Camp Crame sa Quezon City nitong Lunes, Pebrero 12, sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na bumaba ang crime rate sa 27.3% mula Enero 1 hanggang Pebrero 10 ngayong taon.

Pero, binanggit ni Acorda na mayroong pagtaas sa mga kaso ng cybercrime.

Nasa 29 na arrest warrant at 15 entrapment operation ang ikinasa umano ng PNP Anti-Cybercrime Group kabilang dito ang 147 kaso ng online libel.

“I want to highlight the notable increase in online cases, particularly 439 cases of online selling scams, 113 cases of investment scams, and 102 cases of debit and credit card fraud/phishing,” sabi ni Acorda.

Kaya paalala ng PNP chief sa publiko na maging maingat lalo na sa pagdiriwang ng Valentines Day laban sa mga cybercriminal upang hindi mabiktima ng mga scammer.

“As we celebrate the month of February, dedicated to love, it is crucial to remain vigilant in the realm of cybercrime and protect ourselves and our loved ones from falling victim to love scams. Let us prioritize education on digital safety and stay vigilant,” pahayag ni Acorda. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on