WebClick Tracer

NEWS

Partylist nasa batas! Tulfo sinupalpal senador na nanlait sa partylist

Pinasaringan ang nangungunang partylist sa Kongreso si Senador Joel Villanueva matapos maliitin ang mga partylist.

Sa panayam kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ng isang radio station kamakailan, sinabi nito na nagulat siya sa tirada ng senador sa mga partylist kamakailan.

Ayon kay Cong. Tulfo, “nagulat lang ako at binanatan nya ang mga partylist dahil yung tatay niya na si Bro. Eddie Villanueva ay kasama namin sa partylist coalition”.

“Parang minaliit nya ang lahat ng partylist kasama na ‘partylist nila na Cibac at si Bro. Eddie na tatay nya pa ang representante nila”, aniya.

Payo ni Cong. Tulfo kay Sen. Villanueva, “mag-usap siguro sila ng tatay nya kasi am sure nasaktan din ang mga constituents o supporters ng tatay.”

Paalala pa ni Tulfo, isang batas ang nagtatag daw sa partylist representation sa Kongreso para matignan ang kapakanan ng mga Pilipino na hindi nahahagip ng anumang distrito.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on