WebClick Tracer

SPORTS

Shai Gilgeous-Alexander ibinomba OKC

Pakalat ng pinagsamang 70 points sina Shai Gilgeous-Alexander at Jalen Williams para balikatin ang Thunder sa 127-113 pagtambak laban sa Sacramento Kings nitong Linggo sa Paycom Center sa Oklahoma City.

Nagbaon ng 15 of 26 shots tungo sa 38 points si Gilgeous-Alexander at namigay pa ng 7 assists. Namudmod ng 9 assists, may 8 rebounds si Williams na 13/20 sa floor pa-32 markers.

“SGA played like an MVP candidate,” bulalas ni Kings coach Mike Brown. “We threw the kitchen sink at him and he still scored 38. And then Jalen Williams was really, really big. … he was extremely efficient throughout the course of the night.”

Solido rin ang kontribusyon nina Lu Dort (17 points, 9 rebounds) at Chet Holmgren (14 pts.) sa OKC (36-17). Umiskor ng 30 ang Thunder mula sa 18 turnovers ng Sacramento (30-22).

Nawalan ng saysay ang 17th triple-double sa season na 21 points, 11 rebounds, 14 assists ni Domantas Sabonis sa Kings, pinangunahan ng 26 points ni Malik Monk. Nadiyeta sa 6 of 17 shooting si De’Aaron Fox tungo sa 15 markers.

Sa tig-19 points nina Gilgeous-Alexander at Williams ay umagwat ang Thunder 67-57 sa half. Sa likod ng 16-0 run sa third quarter ay inilayo pa sa 88-66.

Ibinaba ng Kings sa walo sa fourth pero hanggang doon na lang. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on