WebClick Tracer

SPORTS

Simon Enciso pasikat sa ama  

Ganadong naglaro si Simon Enciso noong Linggo, Feb. 11, sa Game 5 ng PBA Commissioner’s Cup Finals.

Hindi lang dahil bisperas ng kanyang 33rd birthday. Nasa ringside pa sa Smart Araneta Coliseum ang kanyang amang si Leander.

Blessing para sa Fil-Am guard mula San Francisco, California na umuwi ng ‘Pinas ang ama at makanood ng kanyang laro.

“My dad hasn’t seen me play since I was in the PBA D-League 10 years ago,” paliwanag ni Enciso. “To have him out here and to perform like that is a dream come true.”

Pinag-start pa ni coach Jorge Gallent si Enciso at sa 30 1/2 minutes, pinasiklaban niya ang ama ng 15 points lahat mula sa 3s (5 for 9 shooting), 5 rebounds, 3 assists para tulungan ang San Miguel Beer sa 108-98 win laban sa Magnolia.

Sinabayan ni Enciso ang 8 for 14 clip ni Jericho Cruz sa long range.

Lamang na ang Beermen 3-2 sa best-of-seven series.

Sa Games 1 at 3 ng Finals ay ‘DNP’ – Did Not Play – ang nakalagay sa tabi ng pangalan ni Enciso sa score sheet. Mukhang naka-recover na siya mula injury, at handa na muling sumabak.

Bukod sa espesyal na shoutout sa kanyang ama sa interview nang matiyempuhan ng media sa hallway ng Big Dome, binanggit ni Enciso na dream come true na sana para sa kanya kung nakauwi din ang ina, kapatid na babae at mga pamangkin.

Game 6 ng series bukas, Miyerkoles. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on