WebClick Tracer

METRO

Taxi driver tsinugi ng holdaper

Patay na nang matagpuan ang driver sa loob ng kanyang taxi matapos pagsasaksakin ng hinihinalang holdaper sa Quezon City, nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Danilo Padua Solver, 46, may-asawa, taxi driver, tubong Mapandan, Pangasinan at nakatira sa Sampaloc, Manila.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, alas-12: 20 nitong Lunes ng madaling araw nang matagpuang patay ang biktima sa 7th St., Brgy. Mariana, QC.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Angel T Pascasio III, itinawag sa kanila ng tanod na sina Nestor Canja Pacete at Roderick Cuachon, ng Brgy. Mariana, ang pagkakatagpo sa lalaking duguan malapit sa nakaparadang taxi na may plakang AAI 5933 sa nasabing lugar.

Sa pagsusuri sa CCTV footage, isang hindi pa nakikilalang lalaki na nakaitim na t-shirt at shorts ang nakitang pinagsasaksak ang biktima at saka tumakas.

Ayon naman sa mga nagrespondeng SOCO Team mula sa QCPD Forensic Unit sa pangunguna ni PSMS Federico B Manzano, nakakuha sila sa crime scene ng kutsilyo na may mga mantsa ng dugo sa loob ng taxi mula sa P Four Transport Coop at ID ng biktima.

Sinabi ng mga awtoridad na posibleng nanlaban ang taxi driver kaya pinagsasasaksak ito. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on